Shorts A at Baby Angelo @ Cinemalaya
Buti na lang may tiket pa. Naubusan ako ng "100" at di ok sa sked ko ang "Boses" na maganda rin daw. Balak ko sana Shorts B pero may nagsabi na mas maganda ang Shorts A. Maganda nga. Magaling. Pinakagusto ko ang "Andong" saka "Angan-Angan." Hapi ako.
Pero sowee, di ako nakatiis sa "Baby Angelo." Lumabas kami ni PJ after an hour kasi may Iloilo trip ako the next day at parang sayang ang oras. Maganda sana ang concept (may fetus na natagpuan sa basurahan. Sino ang culprit?) pero di ako na-engaged sa dialogues (di witty, di rin philosophical) at kulang para sa akin ang pag-flesh out ng character (ng matanda sa compound na posibleng alam ang inside story o posibleng may kinalaman din o ang character ni Katherine Luna bilang asawa na may pagka-misteryosa o ang flirt na kapitbahay o ang isa sa grupo ng kabataang babae na lamyerda ang pinagkakaabalahan o marahil ang may-ari mismo ng apartment building na relihiyosa played by Ces Quesada, na maliban sa kanya, parang di masyadong na-internalize ng mga actors ang kani-kanilang roles):)
Suspense dapat ito pero wala akong naramdaman. Pati si PJ.
Ito ang reason kung bakit di ako bumili ng season pass, kasi ang parang sure na maganda lang talaga ang gusto kong panoorin
Anyway, inspiring naman ang Cinemalaya at wish ko lang, magkaka-film din ako years from now. Hehehe.