Rowing, Mama Mia, and Cinemalaya

Nag-rowing ako last Sat. with the DLSU Dragon Boat Team. Sa Manila Bay, CCP area. Wish ko lang blue at malinis ang tubig.

Watched "Mama Mia" with Pearl sa MOA. We had a good time singing with the cast. Childhood reminiscience tuloy. At buti na lang, buti na lang, did not bring credit card kasi naku, naku, sale ang ever dream na skirts sa British India. Sowee, need to achieve something uli before another "me" treat. Bili sana kami ng Hiligaynon Bible. Wala sa St. Pauls. Baka may alam kayo sa’n ako makabili:)

Watched "Hubad" ni Denisa Reyes sa Cinemalaya sa CCP. Last Fri, watched the opening show na "Adela." Maganda, kaya lang dark. Parang mga posters nila na maganda pero ayaw kong bumili for a hundred kasi nakaka-depress if ‘yon ang ilagay ko sa room ko, di ba:)

Napanood ko ang play version ng "Hubad" last year. Sina Irma Adlawan at Noni Beuncamino. Magaling. Ang film version na ‘to, brilliant din. Syempre, sina Peque Gallaga, at ang real-life couples na sina Irma at Dennis at Noni at Shamaine. I love the music. Pinakagusto kong scene ‘yung dance version ng kanilang love-making. Maraming layers itong pelikula. Pero di ko feel ngayon magpaka-prof. Kaya ito lang muna. For the record. Hehe.

Sa Wed. pa ako manonood ng "Namets" nina Vince Groyon at Jay Abello. Naubusan na kasi ng tiket last Sun. Nanood na lang kami ni PJ ng UAAP: DLSU vs. FEU. Salamat naman, talagang magaling ang Green Archers! Yehey!

One Response to “Rowing, Mama Mia, and Cinemalaya”

  1. Rosalba Says:

    Good post.

Leave a Reply