Archive for July, 2008

Shorts A at Baby Angelo @ Cinemalaya

Thursday, July 17th, 2008

Buti na lang may tiket pa. Naubusan ako ng "100" at di ok sa sked ko ang "Boses" na maganda rin daw. Balak ko sana Shorts B pero may nagsabi na mas maganda ang Shorts A. Maganda nga. Magaling. Pinakagusto ko ang "Andong" saka "Angan-Angan." Hapi ako.

Pero sowee, di ako nakatiis sa "Baby Angelo." Lumabas kami ni PJ after an hour kasi may Iloilo trip ako the next day at parang sayang ang oras. Maganda sana ang concept (may fetus na natagpuan sa basurahan. Sino ang culprit?) pero di ako na-engaged sa dialogues (di witty, di rin philosophical) at kulang para sa akin ang pag-flesh out ng character (ng matanda sa compound na posibleng alam ang inside story o posibleng may kinalaman din o ang character ni Katherine Luna bilang asawa na may pagka-misteryosa o ang flirt na kapitbahay o ang isa sa grupo ng kabataang babae na lamyerda ang pinagkakaabalahan o marahil ang may-ari mismo ng apartment building na relihiyosa played by Ces Quesada, na maliban sa kanya, parang di masyadong na-internalize ng mga actors ang kani-kanilang roles):)

Suspense dapat ito pero wala akong naramdaman. Pati si PJ.

Ito ang reason kung bakit di ako bumili ng season pass, kasi ang parang sure na maganda lang talaga ang gusto kong panoorin :)

Anyway, inspiring naman ang Cinemalaya at wish ko lang, magkaka-film din ako years from now. Hehehe.

Watch “Namets” @ Cinemalaya

Wednesday, July 16th, 2008

Watched "Namets" by Jay Abello and Vince Groyon with PJ. Love the script: the wit and humor; the short dialogues, and its subtle discourse on the good, old Negros (nostalgic dito kaya hesitant to embrace ‘progress’ as seen sa character played by Christian Vasquez, a self-proclaimed chef. Ang irony, quite ignorant siya sa local culture dahil sa ‘hang-over’ sa "glorious past" fueled by the boom ng sugar industry) vs. the present-day Negros that is open sa global influences (seen sa character played by Christine Jacob na nakapag-aral sa Switzerland. Embodiment siya ng "think globally, act locally") revealed via local cuisine (lots of sweets and oh yeah, chicken) and landscape (the mountains and the seas, the wet market, the historical landmarks plus the golf course - I’m glad not much of the usual ‘hacienda’ this time). My fave scenes: ‘yung with the bata and Ronnie Lazaro as tatay (dahil sa poverty - contrast sa mundo ng 2 chefs - a father attempted na katayin ang mga alagang hayop ng kanyang anak. Pero dahil sobrang love nga ng anak - binigyan niya ng mga pangalan - na ganun nga sa Panay at Negros - walang magawa ang tatay kundi magparaya. Kumain na lang siya ng gulay:). Saka ‘yung scene sa chicken restaurant where a father tries to educate his children sa proper way ng pagkain/pag-enjoy ng Bacolod inasal. Witty. Brilliant. Gusto ko rin ang opening at last scene, na pinagbidahan pala ni Joel Torre: ang pag-discover ng mga sinaunang tao ng fire at pagkain and how yummy it is. Panalo s’yempre ang acting ni Peque Gallaga as the boss. Perfect talaga for the role. Wala nang iba pa. Pati ang ‘middleman’ na I find satirical - present-day version - ng hacendero-kabo-sacada system. Gusto ko rin ang acting ni Christian Vasquez. On the other hand, I and PJ kept thinking sino kaya ang puwede pa sa role ni Christine (na may Negrense blood (?) at may certain celebrity status) kasi we were distracted sa kanyang Ilonggo accent. Hindi natural. Parang hindi rin masyadong ramdam ang onscreen chemistry nila ni Christian. I was imagining someone na simple - a natural beauty - with a degree of sensuality:) All in all, I’m happy with the film, lalo na dahil it promotes Negros:) Love the shots. Sana manalo:)

Rowing, Mama Mia, and Cinemalaya

Sunday, July 13th, 2008

Nag-rowing ako last Sat. with the DLSU Dragon Boat Team. Sa Manila Bay, CCP area. Wish ko lang blue at malinis ang tubig.

Watched "Mama Mia" with Pearl sa MOA. We had a good time singing with the cast. Childhood reminiscience tuloy. At buti na lang, buti na lang, did not bring credit card kasi naku, naku, sale ang ever dream na skirts sa British India. Sowee, need to achieve something uli before another "me" treat. Bili sana kami ng Hiligaynon Bible. Wala sa St. Pauls. Baka may alam kayo sa’n ako makabili:)

Watched "Hubad" ni Denisa Reyes sa Cinemalaya sa CCP. Last Fri, watched the opening show na "Adela." Maganda, kaya lang dark. Parang mga posters nila na maganda pero ayaw kong bumili for a hundred kasi nakaka-depress if ‘yon ang ilagay ko sa room ko, di ba:)

Napanood ko ang play version ng "Hubad" last year. Sina Irma Adlawan at Noni Beuncamino. Magaling. Ang film version na ‘to, brilliant din. Syempre, sina Peque Gallaga, at ang real-life couples na sina Irma at Dennis at Noni at Shamaine. I love the music. Pinakagusto kong scene ‘yung dance version ng kanilang love-making. Maraming layers itong pelikula. Pero di ko feel ngayon magpaka-prof. Kaya ito lang muna. For the record. Hehe.

Sa Wed. pa ako manonood ng "Namets" nina Vince Groyon at Jay Abello. Naubusan na kasi ng tiket last Sun. Nanood na lang kami ni PJ ng UAAP: DLSU vs. FEU. Salamat naman, talagang magaling ang Green Archers! Yehey!