Tinulak ako ng kakulangan ng interes sa ngayong eleksyon na pumunta sa GO Rally sa Folk Arts Theater ngayong May 11 at 6 p.m. matapos mabasa ito sa inquirer.net. At least, kunyari, may pakialam pa rin ako. Kahit papaano, may malalaman.
Siguro dahil na rin hindi ako makakaboto sa Lunes. By choice. Naburo na kasi ako sa bahay sa Antique; dito sa Manila ang trabaho. Sobra na ang bakasyon ko. Magkakasakit na ako. Hehe.
Siguro dahil inaasahan ko na kapag pumunta ako ng rally, magugulantang ako. May mapupukaw na bago at kakaibang damdamin sa akin. Muli ring mabubuhay ang dati at pamilyar na mga damdamin. O kaya may kaisipang bigla na lang lilitaw para itulak ako sa pagsulat, hala sige, sulat.
Kaya go, girl, sabi ko sa sarili, ride the orange jeep. Dahil maaga pa, naisipan kong tumambay muna sa Starbucks sa CCP Complex para kumuha ng kanilang tissue paper at maupo sa isang tabi facing the Manila Bay and make muni-muni. Nagka-eureka moment nga ako! Biglang luminaw ang family tree ng aking bida sa nobela. Naging klaro din ang dapat nilang maging edad. Omigod, and dami ko pang i-riserts at babasahin at isulat at burahin at isulat. Kelangan mas madugo ang pag-iisip na gawin ko sa susunod na mga araw. Mamayang gabi kaagad. Bukas na bukas din.
Happy ako na lumakad papuntang Folk Arts. May nag-aanunsyo: sa main gate dumaan ang mga may tiket; sa side entrance dumaan naman ang mga walalang tiket. Wala akong tiket so sinundan ko ang mga mama at ale na may mga dalang placards papasok sa side entrance. Wala namang problema. Binigyan kami ng tiket.
Mga placards, banners, at watawat ng Pilipinas ang sumalubong sa akin. Winawagayway, nakapaskel, suot-suot, nakabitin, nakasandig. May grupo ng drummers. Ati-atihan beat and mode. Saka may grupo ng sexy dancers sa stage! Parang noontime show. Hmmm, kultura ng aliw.
Maayos naman. Maraming tao. Marami rin ang bakanteng upuan. Pero tumayo muna ako hanggang sa mapagod rin at naupo. Napagitnaan ako ng grupo nina Noynoy at Allan. Sa likuran, grupo ni Loren. Kanya-kanyang fans/supporters ang bawat kandiadato. Kanya-kanyang wagayway ng kanilang campaign materials. Kanya-kanyang sigaw.
Napadaan sina Cory at Alfredo Lim. Nakipagkamay ako kay Mayor. Gusto ko sanang kunan mula sa cellphone ko si Tita Cory na kahanga-hanga ang beauty at lakas sa kanyang edad. Kaya lang, marami ang humarang kaya stay na lang ako sa aking monoblock chair.
Si Pilita Corrales at ang lalaking may-edad na di ko mamukhaan ang hosts. Nagsimula ang programa sa pagpanalangin ng isang imam na sinundan ng pastor o pari? Basta, ang haba ng prayer niya. Akala ko aatakehin ako ng pagka-drama queen cum pagka-nationalist sa pagkanta ng pambansang awit. Ilang beses kasi akong naiiyak kapag kinakanta ito sa sinehan. Really:) Pero wala. Nada.
Si Binay ang nag-opening remarks. Then kumanta si Bayang Barrios ng "Harinawa" ata iyon, with back-up dancers. Gusto ko siya. Pero ewan, walang impact ang kanyang rendition sa akin. Maging ang kanyang "Bagong Umaga."
Si Pimentel ang unang nagsalita. Then si Loren, then si Noynoy, then si Allan. May time limit ata sila kaya medyo mabilis. Gusto ko sanang hintayin sina Roco at Chiz kaya lang, na-bored ako. Nasaan ang mga speeches na magpapagising sa diwa at tutulak sa mamamayan para makipaglaban? Isa pa, nainis ako sa kampo ni Loren sa likuran. Nang nagsasalita ang kanilang bosing, nanghagis sila ng pins. Saka may sangkaterba pa silang ibang campaign materials na cap at t-shirt na obviously, inaabangan ng kanilang "hakot" na supporters, gayundin ng supporters ng iba pang kandidato ng GO. Pero mamaya pa raw ipamimigay ang mga ito; gayunman, may iba nang nakahakot tago-tago sa kanilang tiyan!
Kaya nanghagis na lang sila ng pins na akala ata nila mga bata kaming dudumog at isang plaza ang theater house! Nag-agawan nga (alam mo naman ang Pinoy) kaya di ako nakatiis. Tumayo ako at make lapit sa mga girls na naka-jacket ng Loren at make reklamo. Sabi ko, huwag naman hagis kasi baka may masaktan at magreklamo at magkagulo. Besides, dapat nakikinig. Hindi iyong they will dagdag pa sa noise sa gilid at mag-divert ng attention ng audience especially sa mga kagaya ko na private citizen at nandito para mag-observe. Praning ako na baka maging headline ang pagkaroon ng stampede sa pag-agawan ng mga supporters ng mga anik-anik ni Loren.
Mukhang nakinig naman sila dahil pagkatapos nun, nag-disperse na ang grupong nag-aabang ng iba pang grasya. Tulad ng pake-paketeng tetra pack juice at ewan, baka sandwich siguro ang laman ng sangkaterbang supot. Nag-agree sa akin ang katabi kong ale. Sabi niya, sa kanila raw (grupo ni Allan), instruksyon na ipamimigay lang ang snacks pagkatapos na ng rally. Saka sa labas ata - sa kanilang pwesto.
So lumabas na lang ako at sumakay uli ng orange jeep. Di ko na kailangang gumasto pa para sa frappucino ng Starbucks. Di ko na makita ang kalawakan sa pagmumuni-muni. On my way home, nag-download ang memory ko at nag-flash ang PLAN CO REVOLT (para sa Pimentel-Loren-Allan-Noynoy-Coseteng-Roco-Escudero-Villar-Osmena-Lacson-Trilanes).
Gusto ko ang ideyang ito: Revolt - isang Bagong Digmang Bayan (BDB). Sana nga. Baka pa lang muli akong makaramdam.