Archive for April, 2006

Kung Nagbabayad Ka ng TAX at Di Ka Nakakakuha ng OR

Thursday, April 20th, 2006

April 19. 2005. Kainis ‘tong Notary Public sa ilalim ng LRT-Vito Cruz. ‘Yung may malaking sign board in yellow katabi ng nakahilerang photocopier na pinuputakte lalo na kapag bar exam. Kainis. Nagpa-notarized ako ng lone entry ko sa Palanca pagkatapos when I asked for a receipt, inutusan ng guy ‘yung kasamang girl at guess, ‘yung naka-print na OR walang TIN. Alam mong inimprenta lang. When I asked for the REAL OR, sagot ba naman ng guy, "E, di hingan n’yo rin ng OR ‘yung jeep!" Duh! Graveeh, sarap umbagin. LAst year 50.00 lang notaryo aba ngayon, 20 pesos talaga ang tinaas. Di mo alam kung anong basehan kahit sabihin pang tumaas ng 12% ang EVAT.

Naturingan pa namang NOtary Public. Grrrr. Di ba punag-utos ng Supreme Court mga 2 years ago pa na bawal mag-notaryo sa sidewalk? Syempre, ako naman, for convenience kasi saka mas mura nga naman. Pero never na akong babalik dun. Walanghiya talaga ng guy! Trying to intimidate me, huh.

Haaay, kawawa nga naman kaming mga guro - captived taxpayers. 30% binabayaran ko. Oo, just like ‘yung mga prayer sa LIBRE na dapat magpasalamat dahil may trabaho, the point is dapat lahat, especially ‘yung mga malalaking negosyante magbayad! Meron akong classmate sa grad school na opisyal ng Dept. of Finance. Sabi niya, oo, 90% ng tax payer ‘yung mga katulad naming kinakaltas kaagad sa suweldo.

Kakainis talaga especially dahil kapag pumunta ka sa gov’t office tulad ng NSO at BIR, talagang para kang patay-gutom sa pagpila. Walang decency sa pag-treat nila sa taong bayan.

Kainis talaga dahil futile makipag-argue sa mga tulad ng bumebenta ng e-load at iba pang pre-paid cards na di nakakapagbigay ng OR na may TIN. No wonder kahit nag-aalburuto ka, ikikibit-balikat mo na lang. No wonder kaya ganito ang sitwasyon ng Inang Bayan. Huhuhuhu. Kulamin ang mga di nagbabayad ng tax!

Summer Reading List

Thursday, April 20th, 2006

I have this notebook where I list what I have read. But since it is with me everyday, it is where I have also wrote my budget, storyline, etc. that it’s a mess. Anyway, so that I can go back to these engaging and well-written books in the lib, here they are:

1. The Lady Tasting Tea: How Statistics Revolutionized Science in the Twentieth Century by David Salsburg. 2001.

2. Silent Spring by Rachel Carson. 2002.

3. Pandora’s Keepers: Nine Men and the Atomic Bomb by Brian Vandemark. 2003.

4. Tales of the Hot and Cold: Einstein’s Refrigerator by Gino Segre. 2002.

5. The New Era of Terrorism edited by Gus Martin. 2004.

@ bookstores & mall

Monday, April 10th, 2006

April 10, 2006. Tapos ko bili ng PAL ticket, go ako sa Solidaridad. As always, dumudugo, gaganda ng books tapos lang pera. Pero next time, bibilhin ko na talaga ‘yung poetry book na ‘yun ni Neruda. Ganda nga rin sana pang-regalo. Lista ko na lang ang iba at i-email para mabili ng library.

So ano pa ba, nakakatamad umuwi. Mainit tsaka sumasakit na likod ko kahihiga at nood tv. Robinsons tayo. Tagal ko nang di nakapunta. May Powerbooks na nga pala. Punta tayotutal magno-nobela ako for my dissertation, tingan natin anong mga pinagsusulat ngayon. Dyahe naman, ’sang section lang Phil Lit at puro Bob Ong & Jessica Zafra. Enjoy naman ako sa work nila at kung sila nga ba ang bumebenta e. Dami rin F.Sionil. Required kasi - na talaga lang naman DAPAT.

Bumabaha chicklit. Ano bang mga titles? Wolves in Chic Clothing; Learning Curves; Cocktails for Three; The Accidental Mother; English as a Second Language; Notes from the Underbelly, etc. Naalala ko mga basurang Hollywood na napanood ko lately. Umm, di naman totally basura dahil nakakatawa naman at na-relax ako.

Nakita ko ang Opposite of Fate ni Amy Tan, memoirs ng kanyang writing life. Bukas. Nag-free reading ako. Ok naman pala dito. Dito na lang ako tambay for free reading. Di nga lang kagaya sa ibang branch na may couch. Ang sikip pa. Narinig kong sabi ng isang estudyante - grupo sila -siguro mga froshies from UP-Manila. "Yon ang gusto kong gawin nila," sabi, referring to writers, perhaps. Ba’t di na lang daw i-simplify ang mga works ni Shakespeare into a novel para isahan na lang. CliffNotes, sabi nga ni Amy Tan. Naka-CliffNotes ang mga works niya - na para sa kanya collection of stories pero tinawag na nobela ng mga critics ‘yung Joy Luck Club niya.

Ayaw ni Amy Tan ng label na Asian-American. American siya na Chinese ang mga magulang. Naloka siya na nasa silabus ng Ethnic Studies and the likes ang works niya pero ba’t wala sa American Lit? ‘Yon na nga e, kasi na-categorize agad na Asian-American when in fact, she wrote for personal reasons at hindi para mag-represent ng migration narrative o history ng Chinese American. Sumulat daw siya dahil may mga tanong siyang gustong sagutin o mahanapan ng kasagutan.

Isa pa, naiinis siyang di na tinitingnan masyado ang literary value ng work. Mas naging concern ng mga nag-aral sa kanyang undergrad at grad students ang kung anong "culture" etc. in the light of theories ang nakikita sa kanyang novels. Naalala ko si Doc Bau. Ito rin ang reklamo niya. "Yung mga critical and scholarly works (kuno) ngayon - sa pagkauso ng "isms" sa academe - mas ‘yun ang pinagtutuunan pansin at di na masyadong nakikita ang kuwento o tula o nobela bilang work of art.

Ito rin ang napapansin ko after sitting as panel, for quite a number of times, sa undergrad thesis defense. Gustong makita ang feminismo, ang orientalismo, ang postcolonialismo, etc. pero hindi alam kung PAANO. Kasi nga nakalimutan na ang elements at mas tutok sa teorya at kadalasan, pinipilit kahit pa hindi naman ‘yun ang kabuuan ng obra. Haaayyyy.

May 2-minute interview pala sana siya sa CNN kung di nangyari ang 9/11. Na-praning din siya na baka may brain tumor siya tulad ng kanyang Dad at brother. Married; no mention of a child. Very hopeful siya at this point in time. Well, that’s all we have, lalo pa nga’t kung anu-anong sakit ang naglalabasan.

Tumambay ako sa CheeseCake. Umorder ng cappucino para makaupo sa couch at makapag-draft. Putcha, as if na-traffic ako sa sinusulat kong kuwento. Buti na lang may mga eksenang lumabas.

Umuwi ako, hoping makapagsulat but then, pagod na ako at time na for my fav Korean telenovela.