Archive for March, 2006

“Nasaan si Francis?” Para (ng) Rebyu

Monday, March 6th, 2006

March 05, 2006. Robinson’s Place, Manila. Gusto ko itong panoorin dahil 1) may kinalaman dito si Peque Galaga. Napa-WOW ako sa "Oro, Plata, Mata" (1982) kahit last 2 years ko lang ito napanood at syempre, di na maganda ang kopya. Pero magaling talaga siya. Aside from the fact na tatay siya ni Wanggo :-) Kaya ganun na lang ang excitement ko sa "Pinoy Blonde." Pinanood ko ito minsan nang magka-rally sa Ayala at feeling ko, I must be there. Pero na-turn off nang makita ang mga trapo kaya diretso na lang ang beauty sa Glorietta. Sabi nga ng isa kong friend sa NGO, mas gugustuhin niyang makibaka para sa watersheds ng Pinas. OK ang Pinoy Blonde though ewan, parang kulang. Di ako na-excite ipamalita pagkatapos. Kaya sabi ko, sige, tingan natin ‘tong sunod; 2) kay Rico Blanco. Maliban sa cute at talented, parang napaka-passionate niya. Nakita ko siya up-close sa concert sa DLSU and how I wished, si KC ako. Hehehe. Pero na-disappoint ako dito. Pumangit siya. Di telegenic? Nasapawan siya ni Paolo Contis, though bagay sa kanya ang role at nakuha naman niya ang character; 3) Negros ang setting, at 4)  sige na nga, magaling si Eppy at syempre, nandiyan si Christopher de Leon.

So what about the film? Naalala ko ang "Crimen Perfekto."

Nakakatawa siya pero di masyado. OK ang kuwento. Magaling ang acting saka sobrang okey ang cinematography. Magaling, in short, ang shots.

Wala akong masyadong masabi. Ewan, bigla akong nablangko. Natuwa ako dahil mayroong ganitong pelikula. Pero ewan…nang lumabas ako, parang ayaw ko pang umuwi kaya nanod ako ng isa pa. Grabe. Nilubos-lubos. "Pride & Prejudice" dahil syempre, adaptation ng novel ni Jane Austen, one author na sinampal-sampal sa amin sa Peyups.

Maganda, sobra - si Keira Knightley. Saka happy ending. YUn lang. Graveh, mahal-mahal na ng sine.