SEA Games Opening: I was There!
Monday, November 28th, 2005Sunday, Novemeber 27, 2005. Bonding time with Lem so go kami sa Quirino Grandstand for the SEAGAmes Opening. Ayos naman di nakakatakot ang crowd: walang siksikan, tulakan, at higit sa lahat, wala akong nakatabing naka-yosi. Disiplinado naman ang Pinoy, e. Talagang nasa pag-manage nga lang siguro. Although naisip ko what if biglang may bombang sumabog kahit pa nakahilera ang daan-daang pulis. Saka paano na lang kung uulan kasi makapal ang maitim na ulap. Sipunin pa naman ako saka matunog ang balita sa pagkalat ng bird flu at kung anu-ano na namang epidemya. Sabi sa Bulgar kaninang umaga, nagpapaligsahan na naman ang China at Amerika sa paghanap ng malilipatan sa ibang planeta. Paano na lang ang Pinas? Saan lilipat? Hmmm, gusto kong isipin na immune tayo sa epidemya pati kalamidad.
Nakakatuwa ang tunog ng San Miguel Philharmonic Orchestra sa kumpas ni Maestro Ryan Cayabyab. Maganda ang stage. Maliwanag. Naging maayos ang pagpasok ng iba’t ibang delegates. Wala nga pala talaga ang China at Japan. Bakeeet? dahil superpowers sila at kapag nag-join, talunan na ang iba like Pilipinas, East Timor, Thailand, Indonesia? Nabanggit ng emcee ang Malaysia na kinakatawan ng 3 mahor ethnic communties nito: Malay, Chinese, Indian. Naalala ko tuloy ang "in 1969" ni Beth Yahp. Dapat kong ituro uli ito. Sayang, la akong Litera 2 next term.
Di ko nakita up close ang mga delegates at celebrity athletes like Mikee Cojuangco-Jaworski, Toni Leviste, paeng Nepumuceno, Onyok Velasco, Manny Pacquiao, Elma Muros pero ayos naman kasi may big screen. Maganda ang choreo at ang performance ni Bayang Barrios pati ng mga batang kumanta ng themesong composed by Jose Marie Chan.
Ayos din ang concert ng Rivermaya, ang "banda ng bayan" kuno. How about ang Eraseheards at Parokya ni Edgar? Talaga naman palang cute si Rico Blanco. Naalala ko tuloy ang intriga sa kanila ni KC. As in cute siya. Kinilig ako. Shuccksss. Parang Joross Gamboa ang bone structure ng face, na Rico Yan mula ulo hanggang ilong. Para ring si Piolo. Uh-uh. Medyo di nga lang ako familiar sa kanilang latest songs though i remember my college days with their hits like "Kisapmata." Magaling. Di ako nagsisisi. Gratis daw iyon, sabi sa dyaryo. Buti naman.
Sayang lang at kunti ang games sa Rizal na malapit sa amin. Saka wala pa uli akong tv para makapanood. Saka nandoon din si GMA. Mahina ang palakpak sa kanya.